Thursday, November 17, 2011

What's cookin' dad? (Pineapple Chicken Adobo w/ Baby Potatoes)

38 days left before wifey's birthday! Ngarag na naman ako sa pag-iisip ng gift. Jewelry? Makeup? Gadget? Ang hirap! Ok na kaya kung balutin ko nalang ang aking katawan together with my undying love?

Speaking of the wife, eto at bibigyan ko ng exposure ang isa sa favorite kong dish na niluluto nya.

Ingredients:
Chicken, any cut
Pineapple juice (kung wala carry na rin ang calamansi extract)
Baby patatas
Garlic,
Onion, chopped
Soysauce
Pepper to taste

Procedure:
1.Igisa ang garlic, isunod ang onion. Wag sunugin.
2.Isangkutsa ang chicken, isunod ang pineapple juice. Let simmer para maabsorb ang lasa.
3.Timplahan ng soysauce at pepper. Isunod ang baby patatas.
4.Hayaang kumulo hanggang lumambot ang karne at potatoes.
5.I-serve with love.

9 comments:

Nate said...

yi........ tamis! --- "Ok na kaya kung balutin ko nalang ang aking katawan together with my undying love?"

ferry'zWILL said...

wooo!! my weakness!! adobo!!! hehehe. pero hindi ko pa na try lagyan ng baby potatoes ang chicken adobo.

>> alam mo bang isa sa mga paborito kung pagkain ang potato salad? NA ang main ingredients ay baby potatoes. try mo!

>> wala lang na share ko lang ^_^

PS:
hwag na hwag mong ireregalo ang katawan mo sa asawa mo. isip ka nalang ng bago, madami pang iba dyan!! please lang!! hehe

danes said...

huwaw!!! ma try nga!

chilaxjukebox said...

masubukan nga to..hehe..
advance happy birthday sa wifey mo dre! suggestion na regalo kung mapera ka, mag-out of town kayo, kung wala, pagluto mo xa :)

ahmer said...

Nakakahilihan ko magluto ngayon. Matry nga yan.

carlotta1924 said...

magandang idea yung huli. pwede mo rin siyang i-sorpresa, yung nasa loob ka ng cake. :D

mukhang masarap nga yang style ng adobo! tenkyu por sharing, masubukan nga soon.

ace.ricafort said...

pano yung sankutsa?

ZaiZai said...

ang special naman, may pineapple na may potatoes pa. nyam!

ardee sean said...

sarap naman ng adobo, daddy.. :P benta talaga to >> 'balutin ko nalang ang aking katawan together with my undying love'.. :P