Friday, January 4, 2013

Domestic Dad turned Expat: An Introduction

HAPPY NEW YEAR!

I assume most of you already learned of my recent decision to leave the Philippines and work abroad. Pero para sa hindi pa nakakaalam, opo isang malaking check, OFW na po ako.

Hindi naging madali ang magdesisyong umalis lalo’t alam naman ng marami kung gaano ako ka-hands-on sa aking one and only cute and handsome son na si Red. Pero decision has to be made. Kaya kahit may part sa puso kong ayaw tumuloy heto ako ume-expat ang drama para sa mas magandang future ng aking pamilya.

Dec 30, 9:45PM when I left Manila for Port Moresby. Hindi ako nagpahatid sa aking mag-ina. Ayaw ko kasing humagulhol sa airport gaya ng ibang umaalis. Very cliché!

Para pala sa hindi nakakaalam, ang Port Moresby (POM) ang capital ng bansang Papua New Guinea (PNG), isang independent state sa Oceania. Sa globe makikita mo siya just above Australia. Kung may iba pang tanong mag Wikipedia na lang pwede.

Anyways, arrived at Port Moresby 15 minutes ahead of schedule, Dec 31, 5:00AM. Sinundo ako ng dalawang katrabaho kong Pinoy papunta sa accommodation namin na talaga naming nakadagdag sa lungkot ko ng araw na yon. Sino ba naman ang hindi maluluha, 1st New Year without my family tapos ganito katahimik ang lugar na dadatnan mo?



Lakas maka-emo. Di ko tuloy napigilang sumigaw ng

I wanna go back hooooooooooooooome!

21 comments:

Ms. Chuniverse said...

Pupunta punta ka dyan tapos 'i wanna go back home'.


Pwes, simulan mo ng languyin!


Char.


Gusto ko sanang sabihin sa 'yo na i know how it feels like. Pero di naman ako OFW. Although pinangarap kong maging Japayuki nung 12 years ild ako. Sayang, hindi natupad.


Lels.


Haynaku, kunga ano-ano na pinagsasabi ko. Anyway, be strong dadi. This is for your family naman. At saka for the economy na rin. Di ba, yan ang gusto ng mga taga CBCP - ang dumami ang OFW.


Chos! :)


Ingat!

eArL... said...

sana okay si red ngayon na wala ka sa piling nya. i will be leaving too to become OFW come march. at sa mahigit 2 years kung pirepare sarili ko, habang papalapit na ung araw ng alis ko, parang nagdududa pa rin ako na iwan ang aking 2 anak. sana malabanan mo homesickness jan kuri.

Archieviner said...

Good luck sa bago mong mundo Daddy :) I feel u. Sa una lang yan.

Archieviner said...

Sa una lang yan.. Masasanay ka din. dyuk!

The Gasoline Dude™ said...

Welcome to the OFW world, Pareng Kuri. Susunod na si Pareng Aajao niyan! Haha.

Sarah Strange said...

KJ!!! KAYA MO YAN!!! Your family must be so proud of you. I'm proud of you. Mabilis lang ang 2 years. Basta keep urself busy. :)

Angelo said...

Best of luck. Welcome to the OFW club. Happy New Year. :)

Angelo said...

Best of luck. Welcome to the OFW club. Happy New Year. :)

chingoy, the great chef wannabe said...

:(

Jepoy said...

WELCOME to the OFW world! Pambihira di na natuloy tuloy panlilibre mo sakin! Dala ka lang ng maraming lotion para pag nalungkot ka ipahid mo sa katawan mo ahahhaha

sikoletlover said...

nalungkot ako :(

Senyor Iskwater said...

You're lucky coz we have a lot of friends who can relate and they can help you hrough comfy words.... pero ang totoo, walang words ang makakapagpagaan kasi mahirap lalo na kung first time...

Just always write lang whatever you're feeling... cry or laugh whenever you want to... Hi-tech naman na so keep in touch with wifey and baby red more...

Haaayyyy... I feel you...

Turista Trails said...

hoy arte. di na natuloy ang get-together natin last dec. kaya pala haha!

KUMAGCOW said...

Ingat dyan Kuri, kaya yan :) It's for Red's future.. :)

Kuri said...

THANK YOU FOR ALL YOUR ENCOURAGING WORDS. I REALLY APPRECIATE IT!

I'LL TRY TO BLOG AS OFTEN AS I CAN TO KEEP YOU UPDATED.

HANGGANG SA MULI!

SuperBasS said...

Magiging daily na ba ang ganitong post? owh well you still have almost 725 days more there. bwahaha. good luck stepbrother.

Overthinker Palaboy said...

uy, ngayon ko lang nalaman ang plan at aktwal na pangingibang bansa mo.

chikletz said...

nakakalungkot namam toh..

stay strong for your family..

ZaiZai said...

Dyan ka naman pala magkakalat ng kamachohan Papa Kuri!

I can imagine how difficult it was to decide working there - maliit pa lang si Red alam ko ng super hands on ka. Super bilib ako, this is such a great sacrifice.


Anyways, I'm not sure if it will help pero andito lang kaming mga fellow bloggers - pwede ka mag vent out, mag blog hop ng maaliw, etc etc! Para kahit paano mapa smile ka namin!

O sya, wag na gaano mag emote ha! :)

prekprek said...

Kapag ba tumaba ka diyan ser, pwede ka na namin tawaging "Guinea Pig?"

Ingat.

joanne said...

Una kong nabasa yun last post mo so may i-google pa ko ng PNG e ieexplain mo din pala dito. Okay, di na ko magtatanong pa ng anything about sa lugar, HB ka agad e.

Ramdam kong nahirapan ka sa desisyon mo, to think na lagi kayong magkadikit ni Red. Pero stay strong daddy kuri.. And stay macho gwapito! :D