Monday, March 25, 2013

Daddy vs His Birthday Month

Di gaya sa Pinas, March ang umpisa ng wet season sa PNG. Halos araw araw umuulan mula ng pumasok ang buwan. Minsan sisikat ng matindi ang araw tapos malakas na buhos naman ng ulan sa gabi. Sabi ng mga lokal, unpredictable daw ang panahon dito pero madalas umaabot hanggang buwan ng May o June ang wet season. Very scary kasi dumadagsa ang mga lamok. Mataas kasi ang malaria cases sa PNG (alongside TB and HIV, FYI lang) kaya halos inumin ko na ang baon kong Off lotion. Bukod dyan, anlakas din maka-emo tuwing umuulan. Nami-miss ko tuloy lalo ang may kayakap sa malalamig na gabing dumadaan.

Anyways, nag- Happy Birthday ako a couple of days ago. Walang nangyaring celebration. Wala rin naman kasing nakaalala dito. Nagtatampo? Busy kasi lahat ng tao at hindi pa naman kami masyadong close kaya hindi namin alam ang birthday ng bawat isa.

Ok fine, the truth is sinicret ko talaga na bday ko. Wala kasi akong pang-treat a.k.a. nagtitipid ako. Ang mahal naman kasi ng bilihin dito (ex, ang gupit sa barbero is 45-50Kina + tax. That's a whopping 1000 pesos na. Clipper cut pa lang yun ha!) Buti nalang di ko in-add ang mga officemates ko sa FB kaya lusot naman.

So pano ako nag-celebrate mag-isa ng bday ko?

Dahil ang lakas lakas ng ulan ng araw na yun, after work isinuot ko ang baon kong swimming trunks at naglublob sa napakalamig na pool habang pumapatak ang mga luha ko kasabay ng lagunos ng ulan. Drama King lang. Gusto mag-artista.

Gaya ng dati, wala pa ring masyadong ganap dito sa mga nagdaaang araw. Ayos narin para walang pagkagastusan. Pinapalipas ko na lang ang oras ko sa pagbababad sa mga Pinoy teleserye o di kaya mag-munimuni sa buhay.

Epekto ng pagtitipid at pagkabagot

Ilang araw nalang pang-3 months ko na. 9 more grueling months to go. AJA!

13 comments:

Anonymous said...

Magpakalbo ka na lang para tipid sa efform pag-clipper. Ano pa ang mga mahal dyan? - Anton

Senyor Iskwater said...

Sige sir tipid tipid lang tapos pag-uwi mo, bawi ka na lang at dito ka magpa-party! belated!

Overthinker Palaboy said...

naku daddy kuri, di ko alam na birthday mo. pamberang patis. patawad.

gawain ko rin yan noong halos busy ako sa trabaho, walang pera at walang mga kakwentuhan. ako nagkalbo sa sarili ko. ayos naman. hahaha. kelangan lang pantayin ng husto.

Axl Powerhouse Production Inc. said...

ang mohol naman!! hahaha... ok lang yan.. madami naman naggreet sau sa pinas....

The Gasoline Dude™ said...

Isang taon lang contract mo?

Archieviner said...

Ako walang choice dito kundi mag tipid. Ang mahal din ng gupit dyan. Wala bang pinoy na gugupit? Dito din mahal.

Belated Happy bday daddy :)

chilaxjukebox (http://chilaxjukebox.wordpress.com/) said...

okay lang yan pre, hold on, mabilis lang yang 9 months :)
anyway, happy birthday

SuperBasS said...

before or after? lol

Lalah said...

belated happy TELELALAbday sir.

ang mahal ng gupit pweding ishave nalang ang ulo para mas tipid yon hihihi

Lalah said...

belated happy TELELALAbday sir.

ang mahal ng gupit pweding ishave nalang ang ulo para mas tipid yon hihihi

domjullian said...

konti na lang pala. kaya mo yan!

ZaiZai said...

3 months down! ilang tubo at shave na lang ng buhok at babalik ka na ulit dito, sa piling ni wifey and Red. Mabilis na lang yun :)

Belated happy birthday sa pinaka sexyng daddy na kilala ko sa blogosphere! woohoo! :)

Marie said...

HAppy birthday! Tagal kong hindi naka-visit, I missed you!

Ingat ka lagi, daddy, just remember you beautiful wife and you adoooorable Red!

Marie