Saturday, March 2, 2013

Daddy vs His Everyday Overseas Life

Two months na rin pala ako sa labas ng Pinas. Ambilis din ng araw. Ironic kasi ambagal ng galaw ng buhay dito. Siguro nasasanay nalang din ako.

Accom-office-grocery-accom lang ang everyday routine namin ng mga kasama ko dito. Wala kasing masyadong mapasyalan. Iisa lang ang mall, ang Vision City Megamall na kaya mong libutin in less than 10 minutes at kung i-cocompare mo sa mga mall sa Pinas e parang mga mall lang natin sa probinsya na di hamak na mas masigla pa ang ambience. Meron namang sinehan, ang Paradise Cinema na katatayo lang last year. Nga lang pagkamahal mahal ng ticket price kung i-coconvert mo sa peso. Kaya naman manonood lang ako ng sine pag may manlilibre.

Ang hilig ng mga tao dito bukod sa buai (boo-eye aka nganga) – Supermarket! Kabi-kabila ang groceries at laging jampacked ng tao. Di mo iisiping medyo hirap sila financially bukod sa super mahal ng bilihin. 

Ito ang mga dahilan kaya imbes na lumabas mas gugustuhin ko pang mag-stay sa accom, umupo sa bench malapit sa pool, tanawin ang malawak na Pacific Ocean at magmuni-muni sa buhay.

Tuwing Sabado, pumapasok kaming mga Pinoy sa office. Half-day lang. Wala naman halos trabaho pag ganitong araw kaya ok lang. Pagkakataon na rin para makapag-internet ng libre. Grabe kasi ang presyo ng net dito mapa-prepaid o postpaid line. Per MB usage ang bayad. Walang unli-unli. Minsan lang tuloy kaming makapag-videochat ni wifey at Red. Sad.

After ng office, daan lang saglit sa grocery, bili ng ilang bote ng South Pacific beer para sa Magic Sing session sa accomodation later.

Sunday ang pinakainaabangan kong araw dito sa PNG. Nagsisimba kasi kami sa malapit na church, ang St. Mary’s Cathedral.

Aaminin ko, sa Pinas di ako masyadong pala-simba pero dito sa Port Moresby, ni-lulook forward ko talaga ang 7.30am English mass. Iba kasi mag-energize si Lord. Pawi lahat ng pagkabagot, homesickness at lungkot.

After ng misa, dumadaan kami sa Malaoro Supermarket na talipapa lang ang peg. Mas mura kasi ang seafoods doon. Kung iisipin, dapat bagsak presyo ang lamang dagat sa PNG pero ewan ko ba kung bakit ginto rin ang prices ng seafoods dito. Grabe.

Pagkatapos mamalengke, derecho na sa bahay, salang ng labahin sa washing machine na very thankful ako dahil fully automatic! Pag-uwi ko sa Pinas bibili ako ng tatlo nito promise. Tig-iisa kami ng mag-ina ko.

Ang saya saya ng routine ko ano? Well, kasama yan sa mga sakripisyong dapat tiisin. Pasasaan ba’t makakaraos din.

P.S. Naka-shades habang naglalaba dahil OA ang init at sikat ng araw sa bahaging ito ng Pacific. Padalhan nyo ko ng sunscreen lotion please.Ang mahal mahal dito!

5 comments:

Xander said...

Grabe pala init dyan Daddy... need talaga mag shades..

Overthinker Palaboy said...

daddy kuri, gano ka nga katagal sa PNG?

Archieviner said...

2 months na pala Daddy. Ang bilis lang ng araw diba? Mukhang mas masaya dyan compare sa NC. Layo kasi ng mall dito. hehe

Turista Trails said...

tsk-tsk. akala ko nagbago ka na dude. travel blog na haha. pagscroll down ko eh sus may topless pa rin sa dulo LOL. kuring-kuri pa rin ang blog. asan na ang mga beach pics?!

albert said...

hahahahah...ok pala naman ikaw dyan eh--- si kua albert (na lang!) ito... my url is http://exmonkchronicles.blogspot.com/

add mo na lang J.... YM you soon!