Monday, May 6, 2013

Daddy vs the Road to a Local Village

Finally got the chance to go outside the city limits after 4 months of stay here in Papua New Guinea! Ang naging destination - Lea Lea Village which is approximately 40km from our place in Port Moresby.

Biglaan lang ang lakad. Last Friday after work nagkaayaang uminom ng konti sa parking lot ng office compound. Fortnight kasi (sahod ng mga local) kaya patak patak para sa isang 24-pack carton ng South Pacific beer.


Walang pulutan, kwentuhan lang. Exchange of culture karamihan until napadpad ang usapan sa kasal. Mahal pala kasi ang magpatali dito. May bride price kasing dapat bayaran ang magiging groom sa pamilya ng kanyang pakakasalan. Sakto namang may bride price ceremony daw the following day sa relative ng kaopisina. Ininvite kaming umatted to witness their culture at para makapasyal narin. Maganda daw kasi ang lugar.

The next day after lunch tumuloy kami sakay ng napakagarang Toyota Pickup.


Dahil may kasama kaming dalawang meri (local girl), nagvolunteer nalang akong mabilad sa likod ng truck kasama ng isa pang lalaking lokal. Alam n'yo naman ang daddy n'yo - Imma, Imma, Imma, gentleman!


Hindi smooth ang naging byahe. Mainit. Maalikabok. Malubak. (O mareklamo lang ako?!) Ang PNG kasi ay kilala rin bilang "Land of the Potholes" kaya literal na pain in the mothafuckin' ass ang naranasan ko that day. Bumilib tuloy ako sa mga lokal na everyday bumibyahe sa ganitong paraan.

On our way to the village, nadaanan namin ang naglalakihang LNG site projects. Sabi nila marami daw nagwowork na Pinoys dun. Patunay na nga ang pagbati sa akin ng mga nadadaanan naming local sa kalye ng "Pare!" Astig lang.

Less than 1 hour lang ang byahe. Pagdating sa village, dumerecho agad kami sa beach.


Maraming tao infairness (Di ko lang napicturan)- lokals at expats. May resort kasi doon ang Sunset Lodge.


Walang entrance pero may mga available na table and chairs at ihawan. Kanya-kanyang unahan nga lang. Dahil biglaan ang lakad namin wala kaming dalang pagkain bukod sa 8-packs ng coke at tinapay. Lahat pa naman ng tao nagkakainan. Wala namang mabili sa resort bukod sa overprized na alak at chichirya. Inggit much ako kaya papicture na lang.


Pagkatapos pagtiisan ang baon namin at magsawang makisinghot sa grilled lamb at seafoods ng ibang resort guests naglakad lakad kami papunta sa tabing dagat. Ang OA lang ng layo ng tubig sa shore. Mga 500 meters siguro . Low tide kasi ng oras na yun.


Nakakalungkot lang isiping hindi naalagaang mabuti ang lugar. May mga basura sa paligid, walang sigla ang mga mangroves at hindi malinaw ang tubig dagat. Sad.

After ng ilang selfie shots, nagkaayaan na ring umuwi agad. Hindi na kami tumuloy sa bride price party dahil delikado daw abutan ng dilim sa daan. Sayang.

Kung nung pagpunta namin 3 local lang ang aming kasabay, nung pauwi isang buong angkan ng officemate namin ang nakiangkas. No choice ulet ako kundi sa likod ng pickup sumakay, madaing sa ilalim ng araw at makipag getting-to-know-each-other sa kanila. Don't get me wrong. Karamihan sa mga locals na na-encounter ko mababait naman, karamihan may amoy nga lang.


Ayos na rin may pa-beer naman. Inom inom din habang may time.

6 comments:

Overthinker Palaboy said...

Daddy Kuri! Parang ang mohol ng lifestyle diyan. Balik pinas ka na!

ace.ricafort said...

Wow adventure. Di ko alam na ganyan pala skin tone nila. Always thought na may pagka caucasian din sila. Anyway, looking good ah. Ingat dyan!

Anonymous said...

Daddy Kuri haba na ulit buhok mo, di ba may pang jupit ka na ng buhok.
-Anton

ZaiZai said...

cute cute mo talaga daddy kuri! pakurot nga sa pisngi :)

thanks for sharing a day in your life dyan sa PNG, sayang di kayo natuloy sa bride price party curious pa naman ako se eksena. anyways okay na kesa abutin ng dilim sa daan.

ingat ka lagi dyan daddy kuri! :)

Overthinker Palaboy said...

Daddy Kuri, padala ka nga dito ng beer na yan ng matikman!

Ian | Going Places said...

You work in PNG na pala... Ako kasi we work for our client Air Niugini at the airport. Grabe mga lokal nila lalo na yung iba diba lakas maka-givenchy!

Wala talaga masyadong libangan sa POM sabi nga mga OFW dyan. Yang yung place para sayo kung gusto mo talaga maka-ipon dahil walang vices. Ano nga work mu dyan sa POM?